Tinanggi niya ang anunsyong tatakbo raw pagka-gobernador ng CamSur
Tinanggihang muli ni VP Leni Robredo ang mga balitang tatakbo raw siya pagka-gobernador ng Camarines Sur, ayon na rin sa ipinakalat ni dating Camarines Sur congressman Rolando Andaya Jr. na ito ang daang tatahakin ni Robredo.
Pinanatili ni Robredo na siya’y wala pang tiyak na desisyon at na bukas pa ang options niya, mula sa pagtakbo para sa Presidente, sa pagtakbo bilang gobernador, o sa pag-tigil muna sa politika ng isang termino.
Sa kanyang official page nagpahayag si Robredo na, “Sa gitna ng maraming haka-haka, uulitin ko lang ang ilang beses ko na ring sinabi: Wala pang desisyon na ako’y tatakbong gobernador. Nananatili akong bukas na maging kandidato sa pagkapangulo.”
Para sa mga kuryoso na talaga sa posisyong tatakbuhin niya, ani ni Robredo, “Sinisiguro ko sa lahat na ipapaalam ko kung may narating nang desisyon.”