Tiinalakay nina Hontiveros at mga parte ng bawat sektor kung paano pa mapapaunlad at mapapalakas ang mga sektor sa probinsiya ng Quezon.

Isang pagpupulong ang isinagawa ni Risa Hontiveros kasama ang iba’t-ibang sektor ng Quezon upang talakayin ang mga problemang kinakaharap nito at planuhin ang mga hakbang na kailangang gawin sa probinsiya.

Ang pagpupulong na ito ay dinaluhan ng mga coconut farmers, mangingisda, magsasaka ng gulay, kababaihan, at mga kabataan na nagmula sa probinsiya ng Quezon.

Napakinggan ni Hontiveros na madaming problema ang hinaharap ng bawat sektor lalo na sa panahon ng pandemya. Binigyang-diin at isinusulong ni Hontiveros na dapat palakasin ng pamahalaan ang sektor ng mga magsasaka at mangigisda dahil napakalaking papel ang kanilang ginagampanan lalo na sa panahon ng pandemya na kung saan marami ang nagugutom.

Pahayag pa ni Hontiveros, ”Dapat palakasin ng ating pamahalaan ang SEKTOR NG MGA MAGSASAKA AT MANGINGISDA dahil sila ang susi para sa mas maunlad na ekonomiya at sa mas malusog na mga mamamayan. Kailangan natin sila para tunay na makamit ang #HealthyBuhay at #Hanapbuhay.”

R1saPa #RHExtraStrong

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *