“Through this, we can improve the quality of education and training students of medicine can receive.”
Nangangako si Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso ng “bigger and better” facilities na umano’y makakamit ng mga aspiring doctors College of Medicine (CM) ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila.
Naibahagi ni Isko Moreno sa kanyang speech para sa commencement exercises ng unibersidad na ang kasalukuyang inookupa na building ng Ospital ng Maynila Medical Center ay ibibigay sa kanila para magamit matapos ang pagkakatatag ng bagong building para sa ospital.
Kapag nasa PLM na ito’y makikilala ang building bilang PLM Allied Health Sciences Campus at makakapagbigay ng dagdag na laboratories at classrooms sa College of Nursing, College of Physical Therapy, at posible ring ang College of Science.
Pagkarinig nito’y nagpasalamat si PLM President Emmanuel Leyco at nagsabing, “This is a welcome development for PLM. Through this, we can further improve the quality of education and training our students of medicine can receive.”
Ang mga estudyante’t alumni ng PLM ay nagsisilbi bilang frontliners ng Manila sa mga ospital at medical facilities.