“This one was designed as a long-term solution: better healthcare facility, better services, fully equipped, enough medical professionals.”
Ipinahayag ni Francisco “Isko Moreno” Domagoso na 70% na ang natapos ng kontruksiyon ng pinapatayong bagong ospital ng Maynila. Matapos ang inspeksiyong isinagawa nito kahapon, ibinalita nito na ang bagong mga pasilidad ay inaasahan na matapos sa taong ito.
Ang bagong ospital na ito ay may taas na sampung palapag na may kabuang floor area na 29,951 square meters at inaasahang may kapasidad na 384 na kama, na may 12 intensive-care units at 20 pribadong silid. Bahagi ito ng #BilisKilos initiative ni Moreno at naglalayon na matugunan ang kakulangan ng mga pasilidad sa panahon ng pandemya. Nais din nitong mapalakas ang healthcare services ng bansa habang binubuksan ang ekonomiya upang ang mga doktor at mga nars ay makatiyak na may sapat na mga pasilidad at nagtatrabaho sila sa isang disenteng kapaligiran.
Ani pa ni Moreno, “While we’re opening up or before we open up, kailangan mapapanatag natin yung mga doctor and nurses that there is enough facility, equipment, medicine that are available, that doctors can prescribe a critical person.”
Isinusulong ni Moreno na maging handa ang bansa bago paman mabuksan muli ang ekonomiya. Nais nitong mapabuti pa ang healthcare para na rin sa kapakanan ng mga Pilipino at sa ikabubuti ng bayan. Pahayag pa niya, “We cannot keep on hiding, we cannot keep locking down and locking down, flip-flopping, we cannot do that.”
“This one was designed as a long-term solution: better healthcare facility, better services, fully equipped, enough medical professionals”, dagdag ni Moreno.