“The government should admit it has a big problem.”
Matapos maitala kahapon ng Department of Health ang 7,103 new cases ng COVID-19, pinuna ito ni Vice President Leni Robredo.
Ani niya, “7,103 cases today. Highest since the pandemic started. We have the worst trajectory in the number of new COVID-19 cases and worst economic performance compared to our neighbors.”
Nag-cite si Robredo na ang Pilipinas umano ang mayroong pinakamalalang economic growth sa South, East, at Southeast Asian countries sa bilang na -9.5% na iprinesenta ng IBON foundation.
Idinagdag niya na, “Again, the first step in keeping our acts together is to acknowledge how big a problem we have.”
Noong ika-19 ng Marso naitala ang total na active cases sa bansa ng 73,264.
Mayroon nang 12,900 Filipino na namatay dulot ng COVID-19 at 4 na milyong nawalan ng trabaho.