Taos pusong pasasalamat ang ipinaabot ng mga tao sa pagmamalasakit ni Hontiveros sa kapakanan ng mga konsyumer.
Lubos na nagagalak ang mga tao sa pagsampa at pagsulong ngayon ni Risa Hontiveros na isuspinde ang power hike o ang pagtaas ng electrical charges ng Energy Regulatory Commission (ERC) para sa kapakanan ng lahat ng konsyumer.
Ayon kay Hontiveros, habang wala pang klarong paliwanag at imbestigasyon sa pagtaas ng electric bills dahil sa rotational brownouts na nangyari kamakailan lang, hindi dapat isagawa ang power hike. “Dapat ipatigil muna ang anumang dagdag-singil sa kuryente hangga’t walang klarong paliwanag ang ERC kung bakit patuloy na tumataas ang transmission charge na ipinapasa sa konsyumer,” dagdag pa niya.
Iginigiit ni Hontiveros na isuspinde ang pagsagawa ng power hike at pagbigay ng refund sa sobrang singil dahil sa malasakit nito sa mga konsyumer at ayaw nitong magipit sa mga bayarin ang mga tao. Kaya naman malaki ang tuwa at pasasalamat ng mga tao sa kanya dahil sa tapat nitong paglilingkod at pagmamalasakit sa kapakanan ng bawat Pilipino lalo na ngayon, sa panahon ng pandemya.