Surpresa sa followers ang bagong look ng beauty queen!

Gulat ang mga netizens sa bagong hairstyle ni Miss Universe Philippines Rabiya Mateo na in-upload niya sa Instagram! Short-haired na ang beauty queen!

Ngunit mabilisan niya itong binawi sa caption at nagsabing, “Nah, just bluffing.”

Kalaunan nagpaliwanag siya sa kanyang Instagram story at nagsabing naka-wig siya sa short hair.

Sa kabila nito, marami pa rin ang pumuri sa itsura ni Rabiya kapag mayroon siyang pixie hair.

Leave a Reply

Your email address will not be published.