Suportado ang Magna Carta dahil ito’y makakatulong mapabuti ang buhay ng mga kababayang nahihirapan!
Kasabay ng signing para sa Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Magna Carta for the Poor, inulit ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na siya’y dedicated at committed na patuloy na umaksyon para mapabuti ang pamumuhay ng mga mahihirap.
Ang IRR na ito umano’y makakapagbigay ng kongkretong solusyon para makawala na ang mga kababayang Pinoy sa kahirapan.
Paalala rin ni Nograles na ang Magna Carta IRR ay makakapagbigay ng benepisyo sa mga mahihirap ng mga urban areas at ng rural na mga lugar. Pahayag pa niya, “Sa ilalim ng batas, mayroong sari-sariling ahensya ang nagsisiguro na ang mga Pinoy ay mayroong basic needs gaya ng pagkain, nutrisyon, employment, edukasyon, at housing.
Ang Magna Carta for the Poor ay tumutulong saa lahat at kinikilala itong equal partners sa nation-building.”
Ipinuna niya rin na dapat mapalakas ang mga LGUs para magkaroon sila ng kapasidad na magpairal ng pro-poor policies, lalo na’t mayroon silang vantage point na makaalam sa pangangailangan ng mga residente nila.
Ang pagpapairal umano ng Magna Carta for the Poor IRR ay malaking hakbang upang maprotektahan ang buhay ng mga economically disadvantaged at malaking hakbang para sa paggamit ng batas upang makatulong ng mas maraming tao.