Sunog sa PGH, inabutan ng donasyon! Drinking water, alcohol, face masks, at canned goods, dumating!

Dumating noong May 17 ang donasyon ni Risa Hontiveros para sa Philippine General Hospital na kumaharap ng sakuna nito lamang May 16.

Pumutok umano ang isang sunog sa 3rd floor ng ospital at napilitang i-evacuate ang mga pasyente. Dahil dito, kinailangang lumipat ng ibang mga pasyente papunta sa ibang ospital upang makuha ang medical care na kinakailangan nila at sa ngayon, nangangailangan ng tulong at mga donasyon ang institusyon.

Ang donasyon galing kay Hontiveros ay 30 bottles ng 5-liter drinking water, 10 boxes ng Ethyl Alcohol na may 30 bottles per box, 2 Boxes ng Surgical face masks na naglalaman ng 1000 na masks kada box, at 10 boxes ng assorted canned goods.

Sa kasalukuyan, patuloy na dumadagsa ang hatid ng tulong ng mga sibilyan, mga grupo’t organisasyon, at mga politiko para sa ospital.

Leave a Reply

Your email address will not be published.