Sunod-sunod na price hike sa kuryente, pahirap sa mga konsyumer! Hindi NGCP, kundi ERC ang magtatakda ng dagdag-singil!

Umapela si Senator Risa Hontiveros sa bagong babala ng NGCP na pagdadagdag ulit ng singil sa kuryente.

Kinuwestiyon niya ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na nagsabing posibleng masundan pa ang naunang price hike dahil patuloy pa ito sa pagkokontrata ng reserbang kuryente.

Ani ni Hontiveros, “Saan kumukuha ng lakas ng loob ang NGCP? Nasa hearing at on the record na walang magiging pagtaas sa singil kahit na mag-engage sila sa ‘firm’ contracts. Paanong ngayon ay sila pa ang nananakot?”

Dagdag pa nito, “Tila hindi na kinikilala ng NGCP ang awtoridad ng Energy Regulatory Commission na magtakda sa singil sa kuryente, pati na ang Department of Energy na tagapamahala sa buong industriya.”

Bilang pagtatapos nagpahayag si Hontiveros na, “Our consumers deserve better and more. Umaasa akong mabibigyan ng hustisya ang bawat Pilipinong nagsisikap sa araw-araw may maipambayad lang sa kanilang electricity bill.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *