‘Stiff, dry’ umanong birthday greeting ni Gerald kay Julia Barretto, inatake sa social media

Short at sweet ang mensahe ni Gerald Anderson para sa nobyang si Julia Barretto na nagdiriwang ng 24th birthday ng nakaraang ika-10 ng Marso.
Sa kanyang Instagram post, binigyan niya ito ng caption na, “Happy Birthday [sic] #youareablessing.”
Ngunit para sa ibang mapagmasid na netizens, minasama nila ang ‘matipid’ na caption niya.
Ani ng mga netizens:
“Yung ang haba ng caption nung bday nya tas sya happy birthday lang, EFFORT aah”
“Wala bang pa I love you dyan ang dandruff? Ay stiff! Hindi sweet”
“Parang pilit na pilit ang bati”
“Ay! Eto lang ba ang greeting mo? Super Dry naman! – yung babaeng kalandian ang picture.. sa yo para wala lang!! Di proud?”
Ani pa ng mga ito, ang pagbati raw ni Gerald ay parang pagbati ng isang ‘tito’ o ‘tatay.’

Leave a Reply

Your email address will not be published.