Special powers na rin pala ng Pangulo ang pagmu-mura!

Sa isang online briefing naibulgar ni Harry Roque ang isang unknown na polisiya ng palasyo na pwede ring maturong practice ng special powers ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, mensahe umano ng Pangulo sa mga miyembro ng kanyang Cabinet na siya lang ang makakapag-mura at na walang pwedeng gumawa nito sa kanila.

Ang pinapatungkulan ni Roque sa isyung ito ay ang pinakahuling tweet ni Foreign Secretary Teodoro Locsin Jr. para sa Chinese government na punong-puno ng pagmumura.

Ayon kay Roque, ayaw daw ni DUterte na ang mga ‘alter egos’ niya ay magmumura, lalo na kung ito’y patungkol sa sensitibong isyu gaya ng diplomacy kasama ang ibang bansa.

Maaalalang sinabihan ni Locsin ang mga Chinese na, “Get the f— out.” Bilang tugon sa patuloy na pagdami ng Chinese forces sa mga reefs at fishing grounds sa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published.