South Africa ang nakasungkit ng korona, habang ang pambatong si Kelley Day ay nakakuha ng parangal!

Hindi man nasungkit ang titulong Miss Eco International, parangal ang nakuha ng pambato ng bansa na si Kelley Day matapos mataguriang Best National Costume at 1st runner up ng kompetisyon.
Sa gabi ng finale tumingkad ang kagandahan ni Day sa pulang Maria Clara-inspired Filipiniana dress na yari ni Louis Pangilinan.
Ang mga pambato ng Pilipinas ay nakaabot ng finals mula pa noong ito’y unang ipinakilala ng Miss World Philippines pageant noong 2017. Napanalunan ni Cynthia Thomalla ang titulo noong 2018, at nasungkit ni Maureen Montagne ang 1st runner up award noong 2019.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *