“Sorry kung ikalulungkot ng iba na mahal na mahal ko ang sarili ko!”

Walang kiber na binigay si Kakai Bautista sa mga body shamers niyang binaha ang bago niyang post sa Instagram ng panglalait at insult.

Sa isang TikTok video na ipinost ni Kakai sa social media, makikitang nagsasayaw lamang ito having a good time. Mula dito, ginawang opportunity na naman ng mga body shamers na i-okray ang katawan niya.

Aminado pa si Kakai na halos araw-araw nakakatanggap siya ng bastos o masasakit na komento patungkol sa katawan at itsura niya.

Pinagtanggol ni Kakai ang sarili at nagsabing, “I have come across so many body shamers this past few days. And I just wanna say that I do believe that food is very much essential in our lives.

I LOVE TO EAT. And pak all that Toxic Filipino culture that says chubby is not sexy and healthy.”
Idinagdag niya na kahit anong kulay ng balat, buhok, at itsura ng isang tao ay may taglay pa rin itong ganda, kahit ano pa ang sabihin ng mga bashers at haters.

Humabol pa ito ng, “Iksi ng buhay, wag mong pakialaman buhay ng iba.

Pakialamanan mo ‘yung sa’yo. Gawin mong maganda, masaya, at kapaki-pakinabang!”
Dinagdagan nya pa ito ng #NoToBodyShaming at #Confidenceispower.

Leave a Reply

Your email address will not be published.