“Somebody must be held accountable. Habang walang nasasampilan, paulit-ulit ito at walang matututo.”

Ipinaalala ni Senator Grace Poe na dapat akuin ni Health Secretary Francisco Duque III ang responsibilidad para sa lahat ng isyung kinakaharap ng Department of Health (DOH) sa ngayon.

Sa isang hearing ng Senado iniulit niya ang ilang talata ng Government Auditing Code of the Philippines na ang chief o head ng ahensya ang may responsibilidad sa pagsisigurong ang resources ng gobyerno ay maayos na nagagamit.

Pahayag pa niya, “Hindi pupwede na ide-delegate palagi sa mga kasamahan sa trabaho – mismong ang namumuno ng ahensya ang may responsibilidad.”

Matatandaang nito lang ay na-flag ang DOH dahil sa inefficient fund utilization, anomalya sa mga binibili, at non-compliance sa mga rules na dapat ay nagbibigay ng COVID-19 allowance sa health workers, at marami pang iba.

Panawagan ni Poe, “Somebody must be held accountable, habang walang nasasampolan paulit-ulit lang ito at walang matututo.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *