Skeletal remains ng mga namatay dahil sa drug war ay pinagtatanggal mula sa kanilang tomb at saka isinilid sa mga body bag!

Ang skeletal remains ni Rodzon Enriquez ay tinanggal mula sa nirentahang ataul nito matapos ang termino ng kanyang pag-renta, at nilagay lang sa isang body bag, limang taon matapos itong mapatay dahil sa war on drugs na isinagawa sa bansa.

Mayroong aabot sa libo-libong mga tao ang namatay mula ng inutusan ni Pangulong Duterte ang pulisya na ipatupad ang kampanyang ‘War on Drugs’. Ang order na habulin ang mga drug addicts at dealers ay naipuna nang tumatarget sa mga mahihirap na tao.

Marami sa mga bangkay ay inihimlay sa ‘apartment’ na mga libingan na patong-patong lang sa isang sementeryo, kung saan sila’y bibigyan ng 5 taong lease na magkakahalaga ng PHP 5,000.

Sa ngayon mayroong isang Catholic charity na tumutulong sa mga pamilyang hindi kayang bayaran ang renewal fees na kuhanin ang remains ng mga namatay at pagbibigay sa kanila ng permanenteng burial site.

Ani ng ina ni Enriquez na si Corazon, “I don’t want his remains thrown away.

I wanted to have him at home – even if his physical body is no longer here, I know he’s still there.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *