Siya mismo ang nakipag-usap sa GMA para maging artist nila!

Agarang umamin si Pokwang na siya ang lumapit sa GMA 7 para maging certified Kapuso at nang magkaroon ng chance makatrabaho ang mga stars sa network.

Nitong Biyernes, June 18 lang nakapag-pirma si Pokwang ng exclusive na kontrata kasama ang GMA Artist Center.

Pahayag ni Pokwang tungkol dito’y, “Actually ako ‘yung nagpapasalamat kasi sila ‘yung nag-yes sa akin. Ako talaga ‘yung lumapit since 2019 pa.”

Sobrang laking pasasalamat daw niya sa GMA 7 at nag-enable ito sa mga kagustuhan niya bilang artista. Kabilang na dito’y ang mga kagustuhan niyang mag-share pa sa publiko at sa followers niya bilang isang artista at komedyante, at ang nagbigay ng oportunidad sa kanya’y ang network.

Emosyonal ring nagsabi si Pokwang ng, “Isa pong malaking karangalan na mapabilang ako sa tahanang ito.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.