Sinurpresa ni Angelica Panganiban at Team Iba ‘Yan ang aktres!

Matapos ang isang araw ng pagsusurpresa ng ibang tao ng Iba ‘Yan show, binida rin nila ang host na si Angel Locsin sa isang surpresa para sa birthday nito. Kasama ng Iba ‘Yan team ang kanyang matalik na kaibigang si Angelica Panganiban na tumulong sa paghahanda ng party.
Sa simula, nakatanggap siya ng mga video greetings mula sa ilang mga natulungan niyang foundation at mga scholars. Naiyak si Angel dahil simula nung maisarado ang prangkisa ng ABS-CBN, kumonti ang mga scholar na kaya niyang tustusan.
Pinuri ni Angel ang buong staff ng programa para sa patuloy na trabaho ng mga ito sa kabila ng andemya. Ani pa niya, “Nakahanap ako ng grupo na iba ‘yong malasakit sa mga tao talaga… na hindi lang ‘to basta trabaho, serbisyo talaga ‘to.”
Nang matanong kung ano ang birthday wish niya, sabi lang ni Angel na, “Nasa punto ako ng buhay ko ngayon na mahirap paniwalaan pero napakakuntento ko. Kung ano mang mangyari sa future, alam kong kakayanin ko kasi surrounded ako ng mga taong nagmamahal sa’kin.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.