Sinuportahan ng Kongreso ang panawagan na isali ang mga agricultural workers sa priority list ng pambabakuna!

Malaki ang suporta galing sa Upper at Lower chambers ng Kongreso ang naani ng programang nagsusulong na maipataas ang pwesto ng mga agricultural workers sa lista ng vaccine priorities ng makakatanggap ng bakuna kontra COVID-19.

Ang head ng Senate Committee on Agriculture and Food na si Sen. Cynthia Villar ay gusto pa ngang isali ang mga ‘viajero’, traders, at mga mambebenta sa wet markets dahil sila ay aktibo at kailangang magtrabaho pa rin sa kabila ng pandemya.

Ani naman ni Sen. Francis Pangilinan, dapat suportahan itong kilusang ito dahil ang mga magsasaka ng bansa ay karaniwang walang access sa mga ospital at wala pang ID kaya maaari itong mahirapang makakuha ng kinakailangang bakuna.

Iginiit ni Villar na, “They are the ones who are most exposed. They link consumers to farmers. They deserve to be part of the priority list.”

Kinilala naman ng administrasyon ang mga ito bilang essential worers, ngunit wala pang naibulgar na plano ukol sa immunization nila.

Ang naunang natanggap na bakuna galing sa China na 600,000 Sinovac doses ay ibabahagi sa health workers (500k doses) at sa mga military personnel (100k doses).

Kasali si Sen. Risa Hontiveros, Sen. Grace Poe, Rep. Argel Cabatbat, at si Rep. Conrado Estrella III sa mga miyembro ng Kongresong nagpahayag ng suporta rito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *