“Sino mag-bibigay sa amin ng pagkain sa araw-araw? Buti kung meron kaming tiyak at sapat na pera.”
Dala ng effectivity ng ECQ sa NCR, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal, lumuwag ang mga kalsada sa Quiapo Church. Ang mga manininda na makikita sa mga kalye ng lugar ay pinagbabawal magtinda ngunit mayroon pa ring ilang mga ‘pasaway’ na hindi sumusunod dito at patuloy pa ring nagbebenta.
Isang seller na kinilala sa pangalang Roger Cagurangan ang nag-giit na, “Kahit bawal po talaga Sir, wala po kaming magagawa. Kahit sumunod kami sa utos, wala kaming pagkukuhanan [ng pera] sa ganitong pagtitinda namin.
Sino mag-bibigay sa amin ng pagkain sa araw-araw? Buti kung meron kaming tiyak at sapat na pera.”
Ayon sa Manila City Hall, nagbigay lamang sila ng food boxes sa mga pamilya sa Manila noong ika-27 ng Marso. Mamimigay ulit sila ng food boxes sa ikalawang linggo ng Abril at maghahanda ng funds para sa Hunyo.