“Sino ang mga nasa komite na nag-apruba sa pagbibigay ng PHP 8.7B contract sa kumpanyang may PHP 625K lang na capital?”

Sentro ng imbestigasyon sa Senado ang rason sa likod ng pagbibigay ng Department of Budget and Management – Procurement Service (PS-DBM) ng bilyong kontrata sa isang kompanyang mayroon lamang PHP 625K na capital.

Binabato ng tanong ni Senator Grace Poe si Atty. Lloyd Christopher Lao na nag-pirma sa notice ng award ng PHP 8.7Billion contract para sa Pharmally Pharmaceuticals.

Ipinuna ni Poe, “May ibang mga nag-bid ba o ito lang? Wala na bang ibang nakisali para makuha ang bid na ito for that amount of PHP 8.7Billion?”

Dagdag pa niya, “Bakit pinili ninyo ‘yung Pharmally na napakaliit ng kapitalisasyon?”

Kasama rito’y ang intergasyon niya’t kagustuhang malaman kung sino-sino ang nasa likod ng komiteng nag-apruba sa pagbibigay ng kontrata sa Pharmally at kung bakit nila ito pinagdesisyonan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *