Sinisisi niya ang dalawa para sa issue ng WPS kalaban ang China!
Pinuntirya ni Pangulong Rodrigo Duterte sila dating Supreme Court Chief Justice Antonio Carpio at dating Secretary ng Department of Foreign Affairs Albert del Rosario para sa construction ng China sa mga isla ng West Philippine Sea noong nakaupo sila sa kanilang pwesto.
Kasama ng laging magulong weekly address niya ang ngayo’y paninisi sa administrasyong Aquino na umano’y nagpabaya’t nagpaubaya sa China na magtatag ng mga building sa WPS.
Nangunguna noong si Carpio at del Rosario sa pagsusulong ng karapatan ng Pilipinas sa karagatan, na napanalunan naman ng bansa sa tribunal ruling ng the Permanent Court of Arbitration. Ito’y naganap noong 2016.
Maaalalang noong Presidential Debates bago ang Halalan 2016, buong tapang na sinagot ni Duterte ang mga katanungan ukol sa isyu ng WPS. Umano’t magje-jetski ito’t hindi matatakot sa mga Intsik.
Ngayon, ito ang mensahe ng Pangulo sa dalawa, “Kung bright kayo, bakit nawala ang West Philippine Sea sa atin? Panahon ninyo ‘yon eh…. Ngayong China ang naghawak doon, ako na niluluslos niyo na maggawa ng paraan.”