Sinisiguro pa rin ang tiwala sa pagitan ng mga miyembro ng gabinete sa kabila ng lahat.

Nagbitaw ng pahayag si Cabinet Secretary Karlo Nograles na, “Mahirap sa isang miyembro ng Gabinete na bumitis na lamang sa pwesto lalo na’t nasa gitna ng nararanasang pandemya.”

Ito’y kanyang tugon sa kailan-lang na pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na handa umano niyang tanggapin ang voluntary resignation ni Health Secretary Francisco Duque III, matapos masangkot sa isa na namang isyu ang Department of Health (DOH).

Matatandaang under fire ang DOH matapos ma-flag ng COA sa PHP 67.3B deficiencies sa funding nito na para sana sa Special Risk Allowance ng mga healthworkers.

Leave a Reply

Your email address will not be published.