sinilang na ni Sophie Albert ang anak nila ni Vin Abrenica noong ika-15 ng Marso.

Nanganak na si Sophie Albert sa panganay nilang ‘baby princess’ ni Vin Abrenica.
Noong ika-15 ng Marso nanganak si Sophie, at kasabay nito ay ang pag-post ng mag-asawa ng parehong litrato ng kamay ng kanilang baby.
Bago manganak si Sophie ay binigyan siya ng mensahe ni Vin ng, “I’m super thankful for you kasi right now, you’re carrying out child and you’re going through all the changes in your body.”
Si Sophie naman ay may mensahe rin para kay Vin, “Me naman, I’m most thankful about Vin. I always wanted somebody who I could depend on and Vin is really the one person that I could really depend on for anything.”
Hindi pa ibinalita ng dalawa kung saan siya nanganak.

Leave a Reply

Your email address will not be published.