Sinasabing ang 3 endemic species na ito ay na-extinct lamang 2,000 years ago!
Natagpuan ang 3 bagong species ng giant cloud rats, o mas kilala bilang buot o bugkun, ng mga siyentista ng University of the Philippines (UP), National Museum, at Field Museum of Natural History in the United States.
Ang mga ito ay natagpuang endemic sa bansa, at natagpuang patuloy pang nabubuhay hanggang 2,000 years ago.
Ayon kay Dr. Janine Ochoa, isang anthropology assistant professor ng UP Diliman, “These are 3 previously unknown species from an unusual group of rodents, locally known as buot or bugkun, and known in English as giant cloud rats, that live only in the Philippines.”
Natagpuan ang fossil species ng mga ito sa Callao Cave at ilang mga mas maliliit na cave sa Peñablanca town ng Cagayan. Ang mga specimens ay natagpuan sa parehong layer kung saan nadiskubre ang Homo luzonensis noong 2019.