Sinasabi ni Julia hindi pa siya nakakakain, pero may lumang video footage ang mga netizens na nagpapakita nito!

Wala talagang makakatakas sa matalas na memorya ng mga netizens, at lalo na ang mga celebrities ng bansa.

Hot topic na naman si Julia Barretto online, at ngayon hindi ito tungkol sa lovelife niya, kundi sa Pinoy streetfoods!

Pinaaalahanan ng mga netizens si Julia Barretto na sa kabila ng sinabi nito sa isang recent video niya na hindi pa siya nakakakain ng streetfoods, na nakakain na nga siya! At may video pa sila bilang patunay!

Sinabihan niya kasi ang boyfriend na si Gerald Anderson na hindi pa siya nakakain ng ‘isaw’ o chicken intestine, pero nakunan sila ng dating on-screen partner na si Ronnie Alonte na kumakain nga nito.

Tinanong siya ni Gerald sa kanilang vlog kung nakakain na ito ng isaw, pero sinagot siya ni Julia ng, “Never ever. Only for you.”

Kaya umarangkada agad ang netizens sa pag-akusang nagsisinungaling ito at kinalokohan ang buong insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published.