Sinagot ito ng iba’t ibang health experts sa Twitter
Isa sa mga topics ng #AskReuters Twitter chat series ang tanong na are 2 masks better than 1? Sinagot ito ng iba’t ibang health experts.
Sabi ni Dr. Josh Schiffer, professor at Fred Hutchinson Cancer Research Center, yung type at number of masks nakadepnde kung saan ka pupunta. Ang pinakaimportante daw ay palaging nakasuot at maayos ang pagsuot kung nasa high-risk environments. Sabi niya pa pwede daw cloth mask kung nilalakad ang aso pero KN95, N95 o dalawang mask kapag nasa office, grocery store o doctors’ clinic.
Ika naman ni Lawrence Gostin, director of the O’Neill Institute for National and Global Health Law at Georgetown University, malabo daw ang tanong kasi ang masimportante para sa kanya ang klase ng materyal at tamang fit ng mask. Sabi niya masepektibo daw ang surgical masks and KN95s.
Sa mga magdouble masks naman, advice ni Dr. Charles Holmes, director of the Center for Innovation in Global Health at Georgetown University, yung pinakaepektibo yung dapat nasa loob. Halimbawa, yung KN95 ang nasa loob at ang surgical mask nasa ibabaw o ang surgical mask nasa loob at ang cloth mask nasa ibabaw. Paalala niya na ang best mask is a mask you wear consistently and properly. Dapat palagi nakacover ang mukha.