Siguradong panatag na sa paglalagay ng ilaw sa Rizal Avenue cor. Recto!

Malugod na ipinaalam ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso ang pag-iilaw sa Rizal Avenue ng Recto sa lungsod nitong nakaraang Huwebes.

Ito’y bahagi sa patuloy na paglusad niya sa isang ‘Bagong Maynila.’

Pahayag pa ni Domagoso, “Mga kababayan, hindi po kami titigil na bigyan kayo ng kapanatagan ng loob at kaligtasan sa kalsada lalo na sa pagsapit ng gabi.”

Hindi niya kinalimutang pasalamatan din ang mga naging parte ng proyektong ito at nagsabing, “Thank you at congratulations muli kay Engr. Andres, Engr. Sadac, at Arch. Balmoris!”

Personal na pinuntahan ni Domagoso ang mga bagong pinailawang avenue sa Recto.

Leave a Reply

Your email address will not be published.