Shinare ng first time mom, Zoya Sañada, ang picture ng freezer at breastfeeding kwento para maging inspirasyong sa iba.
Pinost ni netizen Zoya Sañada ang kanyang journey sa Facebook. Kinwento niya na ilang taong siyang nahirapan mabuntis dahil sa PCOS sa parehong ovaries. Sa hirap ng pinagdaanan, hindi niya daw naisip na mabubuntis pa at maslalong hindi naisip na makakapagdonate ng breastmilk. Nahirapan din siya sa simula ng breatfeeding journey. Nagkaroon ng milk fever sa unang mga linggong at nahirapan maglatch ang kanyang baby kasi may liptie.
Nagbunga naman ng maganda ang paghihirap kasi sa ika-6 month ng pagbreastfeed nakadonate na siya ng libong-libong breastmilk sa mga na ngangailangan. Tuwang-tuwa din siya kasi punong-puno ang freezer ng breastmilk. Sa kasalukuyan, meron siyang 3 babies na tinutulongan.
Ika pa niya nahanap niya ang life purpose sa breastfeeding. Mensahe niya sa ibang mommies na nagsisikap, kaya niyo iyan. Mukha talaga mahirap sa simula pero lahat ng sakit at sakripisyo ay worth it.