Senior Supplemental Kit: Alalay sa Buhay, naglalaman ng supplements para sa kanilang nutrisyon!

Ngayong nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine ang Lungsod ng Manila, pinagtuonan ng pansin ni Mayor Isko Moreno Domagoso ang mga Senior Citizen at bibigyan sila ng angkop na regalo.

‘Senior Supplemental Kit: Alalay sa Buhay’ ang bagong programang magtutuon ng atensyon sa patuloy na pagsisigurong ang kalusugan ng mga Senior Citizens sa lungsod ay maaantabayanan at mananatiling matibay.

Naisaplano at inihanda na pala ang ayudang ito hindi pa man naisasailalim ng ECQ ang lungsod.

Bawat supplemental kit ay maglalaman ng 400g Ensure na gatas, 100 Capsules ng Ascorbic Acid, at card na nagsasabing paano magagamit ang mga ito.

Pahayag ni Domagoso, “Ang nutrisyon ay importante para sa akin. Maproteksyunan kayo, mabakunahan kayo, may nutrisyon kayo pandagdag laban sa COVID-19.”

Itinatayang aabot 150,000 senior citizens ang makakatanggap ng benepisyong ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *