Senator Risa Hontiveros along with other Senators called for a Senate Investigation into the spate of the unlawful killings

Ipinapatawag ni Senator Risa Hontiveros, kasama ang ibang mga Senador, ang isang imbestigasyon sa mga nangyaring Vigilante Killings nitong taong 2020, upang ma-restore ang law at order ng bansa.

Nag-file ng resolusyon ang Hontiveros matapos ang pagkapatay kay Dr. Mary Rose Sancelan, at ang kanyang asawa na si Edwin, sa Negros Oriental.

Ang Senate Resolution No. 599 na isinusulong ni Hontiveros ay naglalayong makapagbigay ng hustiya sa mga Sancelan, at ang iba pang biktima ng mga hindi makabatas at vigilante na pagpapaslang. Ang resolusyong nabanggit ay naglalayong makamit ulit ang maayos na pag-iimplementa ng batas at ang pagkakaroon ng order. Ito ay nilagdaan din ng mga Senador na sila Frank Drilon, Ralph Recto, Richard Gordon, Nancy Binay, Joel Villanueva, Kiko Pangilinan, at Leila de Lima.

“At a time of the biggest health crisis the country has ever seen, I am alarmed that this anti-communist agenda reigned over the literal health and survival of the Filipino people. Dr. Sancelan and her husband are only few of the victims of a failing and senseless red-tagging campaign hellbent on crippling our democracy. This attack is only one of the many horrific killings in the country, legitimized by an administration that has distorted the meaning of human rights,” ang sinabi ni Hontiveros.

Sa Senate Resolution No. 599 din ay nagbigay ng litanya si Hontiveros sa mga pagpapaslang na nangyari sa taong ito. Sabi pa niya, “The killings that occurred in the latter half of the year have set a disturbing trend of unidentified gunmen killing lawyers, doctors, journalists, and activists in broad daylight, without fear of arrest or apprehension. The increasing brazenness shows that the law enforcement authorities have lost control of the country’s peace and order.”

Kalauna’y hinikayat ni Hontiveros ang mga law enforcement personnel ng bansa na mas magtibay pa sa kanilang gawain at nang mahuli na ang mga kriminal na nagsasagawa ng mga ito. Upang maiwasan na ang mga kaso ng hindi makabatas at vigilante na pagpapaslang.

“Let us ensure that the perpetrators of these abominable crimes are brought to justice. There is no peace when there is no justice,” ang pagtatapos ni Hontiveros.

Captions for Sharing:

  • Tama po! Hindi dapat kalimutan ng ating polisya na ang kanilang mga aksyon ay dapat makabatas. Sana nga po ay sumunod na sila sa iyong suhestyon!
  • Napaka nga naman kasi ng mga nangyayari nitong nakaraan. Hindi mo malaman kung sino na ba ang tatakbuhan kada may mangayayari, wala ka na kasi atang mapaghihinalaan sa gobyerno.
  • Sana nga makuha na ng mga taong ito ang hustisyang dapat makuha nila. Kawawa ang mga biktima, mga biktima nga ng mga kriminal at biktima ng isang sistemang nagpahintulot na mangyari ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *