Senator Grace Poe and other Senators filed a Senate Resolution on the unlawful killings of citizens
Nitong Lunes, si Senator Grace Poe kasama ng ibang mga Senador, ay nagpapatawag ng imbestigasyon sa mga nangyayaring “senseless killings” sa ilalim ng administrasyon ni Duterte matapos ang nangyaring pagpaslang ng isang pulis sa isang mag-ina sa Tarlac.
Matatandaang nitong Linggo ay binaril ni Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca ang mag-inang Sonya at Frank Anthony Gregorio na nagsanhi sa isang alitan tungkol sa isang PVC Cannon o ‘boga’. Ang insidente ng kanilang pagtatalo at ang kalaunang pagpatay ay nakuhanan ng video documentation.
Nitong ika-21 ng Disyembre, ang mga Senador na sila Grace Poe, Joel Villanueva, Sonny Angara, Nancy Binay, Juan Miguel Zubiri, at Sherwin Gatchalian ay naglagda sa Senate Resolution No. 600. Ito ay nagpapatawag sa ‘probing’ sa nangyaring pagpaslang ng mga hindi liliit sa 15 abogado, mga journalist, at iba pang mga mamamayan nitong nakalaang anim na buwan.
Binanggit sa resolusyon ang, “The series of killings in the past 6 months of at least 15 people from members of various professions… exacerbated by the fact that justice remains elusive for the victims and their families, highlight the need to launch an inquiry, in aid of legislation, to identify the gaps in law enforcement.”
Nitong ika-17 ng Disyembre ay nailagda ang Senate Resolution No. 599, ng mga Senador na sila Risa Hontiveros, Ralph Recto, Franklin Drilon, Francis Pangilinan, Leila de Lima, Richard Gordon, at Binay. Ito ay masasabing mayroong similar na nilalayon sa SR. No. 600.