Sand at street art, nagsisulputan bago ang laban ni Rabiya sa Miss Universe!
Si Rabiya Mateo, ang kasalukuyang pambato ng Pilipinas sa Miss Universe 2020, ay galing sa Iloilo at ang mga kababayan nito’y kanya-kanya na ng pakulo para ibahagi ang suporta para sa homegrown kandidata.
Sa Balasan, Iloilo siya ipinanganak at nag-kolehiyo sa Iloilo City kung saan nakapagtapos ito ng Bachelor of Science in Physical Therapy sa Iloilo Doctor’s College nito lamang 2018.
Noong May 15, ibinandera ng Angelicum School of Iloilo ang mga kulay ng bandera ng Pilipinas bilang suporta kay Rabiya.
Si Iloilo City Mayor Jerry TreƱas naman ay sumali sa trending catchphrase para kay Rabiya at nagsabi sa kanyang facebook page ng, “HALA ARIBA, RABIYA!”
Ilang mga local artists din ang nagsagawa ng art na si Rabiya ang nilalaman para magbahagi rin ng hindi maikakailang suporta na ibinibigay nila rito.
Isang sand art at street art ang nag-viral dahil nilalaman nito ang magandang mukha ng kandidata.