“Sana mahanapan naman nila ako ng time na makasama sila.”

Nangungulila na si Dennis Padilla sa mga anak niya kay Marjorie Barretto.

Ayon dito, huli silang nagkita ni Julia Barretto noong Disyembre 2020, habang sila Claudia at Leon ay Pasko ng 2019 niya huling nakasama.

Tanging hiling ni Dennis, ayon na rin sa panayam niya kasama si Ogie Diaz na na-upload sa YouTube channel nito, ay makasalamuha ulit ang mga anak.

“Sana mahanapan naman nila ako ng time na makasama kasi willing naman akong magpa-PCR test bago kami magkita-kita para hindi sila matakot!”

Hindi naman daw nagkulang si Dennis sa pagpapa-abot na gusto nga niyang makipagkita sa mga ito. Madalas daw siyang nagte-text at nagyayaya na kumain sa labas, na nirereplyan lang ng mga anak niya ng, “Let’s see Papa, see you soon,” at iba pang hindi specific at vague replies.

Nang hindi na makayanan ang pangungulila, na-text daw nito si Julia ng, “Julia I feel so alone.”

Na sinagot ng aktres ng, “‘Pa you are not alone, we are praying for you. Gan’un din sila Claudia, Leon, at Dani na magpalakas ka ‘Pa.”

Sa interview hiniritan siya ni Ogie Diaz ng katanungan kung hindi ba siya naiinggit sa boyfriend ni Julia na madalas nitong makasama, na kinagat ni Dennis na nagsabing, “Eh ganun talaga, mahal ni Julia.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.