“Sana huli na itong ECQ, at magtuloy-tuloy n asana ang sabay-sabay nating pagbangon.”

Hinikayat ni Cabinet Secretary Karlo Nograles ang publikong manatilo sa kanya-kanyang pamamahay at huwag muna makipagsalamuha sa ibang tao hangga’t maaari lalo na’t maraming lugar sa bansa ang isinailalim sa napaka-istriktong Enhanced Community Quarantine (ECQ) bilang aksyon ng gobyerno kontra sa highly transmissible Delta coronavirus variant.

Sa ilalim ng mga guidelines na itinala ng gobyerno, ang ECQ ay maglilimita sa mga mamamayan ng pag-access lamang ng goods at services, at sa pag-punta sa kanilang mga trabaho sa mga pinahintulutang business establishments.

Ani Nograles, “Everybody has to do their part na kung puwedeng huwag lumabas ng bahay, huwag lumabas ng bahay. ‘Yun yung dapat default, default mindset nating lahat. Nandiyan ang Delta so huwag tayong lumabas ng bahay kung hindi kailangan.”

Ang ECQ umano’y upang mapabagal ang pag-kalat ng virus at maiwasang bahain ng pasyente ang mga ospital. Kahit ang pagsasara ng industries at paglilimita ng mga aktibidad ng mga ito’y nakakatulong sa gobyernong agapan ang mga devastating na epekto ng Delta variant.

Kasama ng stay-at-home rule, ang ECQ ay naglilimita ng operasyon ng ilang businesses at ng karamihan sa public transport, ang mga gatherings din ay ipinagbabawal maliban nalang kung ito’y para sa government services at humanitarian activities, ipinagbabawal din muna ang face-to-face classes, at mayroon nang implementasyon ng curfew hours.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *