“Salamat mga kababayan, mahal ko kayo!”

“Salamat mga kababayan, mahal ko kayo!”

Parte ito ng mensahe ni Miss Universe Philippines Rabiya Mateo matapos ang kompetisyon ng hindi niya nasungkit ang korona para sa bansa.

Naniniwala ang kandidata na ginawa niya ang lahat ng makakaya upang mabigyang parangal ang Pilipinas.

Matatandaang nakapasok si Rabiya sa Top 21, pero hindi na natawag muli para sa Top 10.

Dahil na rin sa umaapaw na suporta na natanggap niya sa kompetisyon, may mensahe si Rabiya para sa mga Filipino fans ng pageant. “It was such a beautiful moment to represent you, Philippines. I am forever honored to be part of the legacy, of our history.”

Papuri at suporta lamang ang bumuhos para rito sa kabila ng resulta ng kompetisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published.