Sagot ni Ogie Diaz sa mga pulis, nag-viral

“Ang bakla, pag nakainom, nagiging lalaki?”

Ito ang pahayag ng talent manager at komedyante na si Ogie Diaz. Siya ay openly gay at mayroong asawa at limang anak.

Ang pahayag na ito ay tugon niya sa kontrobersyal na sinabi ng Makati City police chief Col. Harold Depositar noong Martes. Binanggit nito na ang mga bakla ay maaaring manggahasa ng babae, sinamahan niya ng ‘nakakatawang’ mensahe na bumabanggit sa sex life ni Diaz. Ito ay konektado sa kaso ni Christine Dacera, ang namatay na flight attendant na tinuturing bilang isang rape-slay case ng PNP, sa kabila ng kawalan ng ebidensya.

Ang komento ni Depositar ay responde sa pahayag ni Gregorio de Guzman, isang suspek, na sinabing ‘absurd’ ang sekswal na akusasyon sa kanya, matapos idiin na siya’y bakla at hindi sexually attracted sa mga babae.

Ayon kay Depositar, “Lalaki pa din sila. May instinct ‘yan and… you know, lalo na if you’re under the influence of intoxicating alcohol, and kung may presence of drugs pa – lalo na.”

Ang pahayag na ito ay kaagad binigyan ng kritisismo sa social media. Tinatawag ito bilang insensitive at ignorante. Ito din ang dahil sa pagkakaroon ng meme trend ng mga baklang nagbahagi ng mga litrato nila bago at matapos uminom ng alak.

Habang ang ibang reaksyon naman ay pinapanawagan si Diaz na ehemplo ng paanong ilang mga bakla ay maaaring magkaroon ng seksuwal na relasyon kasama ang isang babae. Dito sumagot si Diaz, na may kasamang klaripikasyon tungkol sa kanyang personal na buhay.

Sabi niya sa Facebook, “Bakit ako ang ginagawang sampol sa ‘Ang bakla, pag nakakainom, nagiging lalake din? Una, kahit itanong nyo sa misis ko, hindi ako umiinom ng nakalalasing na inumin. At ginawa namin ang aming limang anak nang hindi ako lasing.”

Sa post niya, nanawagan din si Diaz sa mga pulis na husayan ang imbestigasyon. Ayon pa sa kanya, “Dapat pag pulis ang pinag-uusapan, kasunod nang deskripsyon diyan ay proteksyon at seguridad – hindi takot at pangamba.”

Ang post na ito ni Diaz ay nag-viral noong Huwebes, at mayroon nang humigit sa 10 libong reaksyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *