Sa wakas, nadinig na ang panawagan na ito para sa mga dialysis patients ng bansa!
Matapos ang pakikipagbuno ng Dialysis PH Support Group Inc. kaakibat ni Senator Risa Hontiveros, naapruba na ang panawagan nilang maituloy ang 144 treatment para sa 2021!
Nailathala sa Manila Bulletin ang Circular 2021-0009 na nagvalidate sa claim na ito na mayroon na ngang coverage ng PhilHealth para sa 144 Dialysis sessions, na nasimulan na noong 2020 at itinutuloy na sa taong ito!
Maaalalang aabot na ng higit sa kalahating taon ang patuloy na panukala at panawagan ni Hontiveros kasama ang Dialysis PH Support Group upang maipatupad ito dahil na rin sa kakulangan ng abilidad ng ilang dialysis patients na magbayad para rito.
Habang nasa state of emergency pa ang Pilipinas dulot ng COVID-19, patuloy itong maiimplementa at verified na para sa kabuuan ng 2021.
Idinagdag pa na ang mga nakapag-avail na ng kanilang 91st to 144th na session para sa dialysis ay pwede nang magpa-reimburse sa PhilHealth.
Ani pa ni Senator Risa, “Deserve ng lahat ng chance magpagamot, kahit walang pambayad.”