Sa tent labas ng hospital daw namalagi ang OPM icon na si Claire Dela Fuente at naghihintay ma-admit bago namatay.

Namatay nitong Martes ang OPM icon na si Claire Dela Fuente dahil sa COVID-19.

Ayon sa anak niyang si Gigo De Guzman naka-stay sa labas ng hospital sa isang tent ang ina nito at naghihintay na ma-admit sa hospital.

“She was diagnosed last week along with myself but I am asymptomatic while she showed mild symptoms, which is why she was recommended to go to the hospital and to be monitored,” pahayag ni De Guzman.

Ayon din sa kanya ay ok pa ang ina nito noong Lunes ng umaga until inatake ito ng anxiety ng Lunes ng gabi at nagka-cardiac arrest ng umaga at hindi na nakayanan ng ina.

Sa tent daw ng Las PiƱas Doctor’s Hospital si Claire Dela Fuente bago matransfer sa Pope John Paul II hospital at sa ER nito namatay.

Kasalukuyang naka quarantine si Gigo De Guzman at pinaplanong mag hold ang pamilya ng virtual wake para sa labi ni Claire Dela Fuente.

Suspetsa din ni Gigo na isa sa mga kasama nila sa bahay ang naka contact ng virus dahil hindi naman sila lumalabas ng ina.

“Di po namin alam kung sino, dahil siyempre yung iba po sa kanila talagang kailangan lumabas para bumili ng kung ano po. ‘Yun lang po eh, kasi hindi po kami lumalabas ng bahay recently.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *