Sa pamumuno ni Isko Moreno, nabigyang-pugay ng Digital Governance Awards ang lungsod ng Maynila.

Nakakuha ng tatlong parangal ang lungsod ng Maynila, sa pamumuno ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, sa Digital Governance Awards 2021 nitong Oktubre 29. Hinangaan ng DGA ang pagserbisyo at pag-aksyon ng Manila LGUs sa pamamagitan ng paggamit ng Information Communication Technology (ICT).

Nasungkit ng Manila’s Division of City Schools (DCS) ang ikaunang pwesto sa Best in Customer Empowerment Award para sa digital initiative nito na kilala bilang Learners Information for Education (LIFE) Connection for Inclusion 2.0. Ang parangal na ito ay kumikilala sa mga aksyon ng LGU upang makapagbigay ng “improved, timely, and relavant delivery of public services”.

Nakamkam rin ng Go Manila App ang ikalawang pwesto sa Best in Business Empowerment, Bureau of Permits and License Office, Electronic Data Processing Office, and Special Projects.

Samantala, nakuha naman ng Manila Health Department and Sta. Ana Hospital ang ikaunang pwesto sa Best in LGU Empowerment Award dahil sa paglunsad nila ng COVID-19 Testing Center Web Laboratory Information System.

Ang mga pangaral na ito ay patunay lamang na maayos at maganda ang pamumuno ni Moreno sa Maynila. Malaki ang kanyang pasasalamat sa mga tao sapagkat ibinibigay nila ang kanilang tiwala at walang sawa siyang sinusuportahan sa kanyang mga aksyon at4 serbisyo. Ipinapangako niyang hindi siya titigil sa pagtulong at pagsuporta sa mga taong nangangailangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *