Sa pagdami ng mga proyekto ni Maja, nausisa na rin ang current status nila ng nobyong si Rambo

Big deal talaga si Maja Salvador ngayon sa TV5, na nagbigay pa sa kanya ng pangalang Primetime Majesty.

Mayroong bagong proyekto si Maja na ‘Niña Niño’, isang drama-comedy series na ipapakita sa primetime.

Sa virtual mediacon ng upcoming series na ito um-attend ang mga high-ranking officials ng TV5 at CignalTV, nagpapahayag ng kanilang suporta sa unang teleserye ng aktres kasama sila.

Sa kasagsagan ng mga katanungan at usapan nila sa mediacon, nagawi ang topic tungkol sa maaaring pagpapakasal ng aktres.

Nang matanong kung magpapakasal na ba sila ‘very soon’ ng nobyong si Rambo Nunez, ang sagot lamang niya ay, “Ang hinihiling ko po talaga sa sambayanan ay ipagdasal kami. Pareho kaming open at gustong matuto.

Sana nga hindi lang kami ang maging partner sa business kundi maging partner rin kami sa buhay. So hopefully maging partners na talaga kami.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.