Sa naging latest vlog ng Kapuso actress, diretsahang sinagot niya ang mga assumptions ng netizens sa kanya

Unang nilinaw ng Kapuso actress na si Carmina Villaroel ang mga haka-haka tungkol sa kanyang attitude na siya raw ay sosyal, OA, at maarte. Ani Carmina, “Sosyal ba ako? Hindi ko alam kung sosyal ako pero parang hindi naman yata.”
Ayon naman sa kanya, isa daw siyang down to earth na person. “I am so grounded, hindi ko nilalagay sa isip ko na ‘uy artista ako or ‘yung Legaspi family mga artista kami. Wala kaming ganu’n.” dagdag pa ng mama ni Cassy at Mavy.
Shinare ni Villaroel na ordinaryo lamang ang kanilang pamilya, ang relasyon nila ni Zoren at pati na ang kambal nilang anak. “Off cam we’re just ordinary, normal people. Yeah, I’m down to earth. I want to believe. Sosyal, parang hindi yata,” dagdag ng aktres.
Depensa naman ni Carmina sa mga nagsasabing maarte siya, “Oo. Maarte ako pero hindi ‘yung maarte na nakakainis o nakakairita or ‘yung maarte na parang malandi, ganu’n.” At nilinaw na maarte siya sa mga bagay katulad ng pag-inom ng gamut, kapag may nakakadiring bagay, at hindi maarte in a negative way.
OA din ang aktres sa kalinisan at pag-organize ng mga gamit. At hindi rin naman ito ang OA in a negative way.

Leave a Reply

Your email address will not be published.