“Sa mga kababayan ko, ilalaban natin ito!”

Papalapit na ang Miss Universe 2020, na igaganap sa Mayo 16 at 17, at dahil dito unti-unti nang pumupunta ang mga kandidato ng kompetisyon sa Hollywood, Florida kung saan idadaos ang event.
Kasali na rito ang pambato ng Pilipinas na si Rabiya Mateo, na kailan lang ay um-attend ng isang photoshoot kasama ang dalawang kandidato rin galing Columbia at El Salvador.
Ang naganap na photoshoot ay para sa official skincare partner ng 69th edition ng Miss Universe, at dahil dito nag-Facebook live ang event.
Naipakilala ng kumpanya ang tatlong kandidato, at lahat sila ay mayroong mensahe para sa kani-kanilang mga bansa.
Habang si Rabiya naman ay nagsabi na, “I am very happy and honored to be here. Finally, it’s actually my dream to represent my country and it’s really happening.
I don’t wanna get emotional, but it’s a mix of feelings. I am excited, of course, there’s a tinge of pressure added to it. But overall, I’m very happy in this journey. Sa mga kababayan natin, ilalaban natin ito.
Pangako ‘yan,” pagtatapos niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.