Sa loob ng NCR+ bubble ay hindi na lilimitahan ang galaw ng mga residente, para sa essential at non – essential na byahe

Inanunsyo ni PNP officer-in-charge Lt. Gen. Guillermo Eleazar na ang mga travel restrictions at inspeksyon sa loob ng NCR+ bubble ay tatanggalin na.

Malaya na umanong lumibot sa Metro Manila, at mga probinsya ng Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal ang mga residente ng nabanggit na mga bayan dahil hindi na haharangan ng PNP ang biyahe nila.

Klinaro rin nito na walang boundaries sa loob ng NCR+ bubble. Ang mga checkpoints din na itatatag ay upang masigurong ang mga mamamayan ay sumusunod sa 10pm-5am na curfew.

Leave a Reply

Your email address will not be published.