Sa lista ng bagong proposed government agencies, ang DOFIL ay top priority ng Duterte Administration!

Ipinaalam nitong Lunes ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na ang pagkakatatag ng Department of Overseas Filipinos (DOFIL) ay priority ng kasalukuyang administrasyon.

Mayroong aabot sa 3 departamento na itinutulak na mabuo, ang DOFIL, Department of Water at Department of Disaster Resilience.

Ani ni Nograles, “In terms of priority, DOFIL would be the highest in terms of priority.”
Idinagdag ni Nograles na ang lahat ng proposed government departments ay dadaan pa sa vetting process na maisasali sa priority legislations ng Presidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published.