Sa kasagsagan ng community pantry na kontrobersiya, marami pa rin ang naniniwala kay Angel!

Ang home network ni Angel Locsin for 12 years, ang ABS-CBN, ay nagpahayag ng tahasang suporta sa aktres sa kasagsagan ng pag-init ng pangalan nito online.

Nitong nakaraang linggo ginustong idaos ng aktres ang kaarawan sa pamamagitan ng pagbubukas ng isang birthday community pantry, na nagbibida ng napakaraming supplies.

Naka-attract ito ng napakaraming tao, sobra sa kinayang hawakan ng pwersang hinanda at tinawag ni Angel para tulungan silang ma-manage ang dami ng pumunta.

Nag-gitgitan, singitan, at nagkagulo na ang mga tao para lamang makakuha ng ayuda. Isang senior citizen din ang namatay mula sa insidente.

Noong Abril 25 nagpalabas ng pahayag ang ABS-CBN na nagsasabing, “ABS-CBN believes in the goodness of the heart of our Kapamilya Angel Locsin, who in her personal capacity has tirelessly helped our countrymen in times of crisis.

We admire her commitment to continue serving the Filipino people with selfless dedication and love.

We stand by her and thank her for being a shining example of generosity, accountability, and compassion.”

Maaalalang inako ni Angel Locsin ang responsibilidad sa nangyari, at walang sinisisi. Hanggang ngayon, bida pa rin siya ng mga batikos ngunit dumarami naman ang hindi siya sinisisi.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *