Sa kabila ng mahigpit na schedule ni Moreno, nagawa parin niyang magsingit ng oras para sa kanyang mga tagasuporta sa rehiyon!

Pumunta si Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa ilang siyudad ng Visayas upang bumisita ilang araw matapos nitong maghain ng COC upang mabati ang kanyang mga tagasuporta sa rehiyon.

Binisita ni Moreno ang Bacolod City, Cebu City, at Angeles City gamit ang hiniraman nitong eroplano. Unang pinuntahan ni Moreno, ang Bacolod City sa lugar ng Manokan kung saan binati nito ang mga residente ng Bacolod at kumain ng tanghalian kasama sila. Pagkatapos ay agad na lumipad papuntang Cebu City at huli ang Angeles City.

Ayon sa chairperson ng Aksyon Demokratiko na si Ernest Remel Jr., “Wala talagan specific people to meet. Time in motion check lang.”

Ang kanyang pagpunta ay walang tiyak na plano o anunsiyo kaya nang nakatagpo nito ilang mga residente sa lugar, malugod siyang tinanggap at nasiyahan ang mga ito sa pagkakataong makita si Moreno.

Kahit abala sa trabaho at may busy schedule, nagawa pa rin ni Moreno na paglaanan ng panahon at bumisita sa kanyang mga tagasuporta sa Visayas. Kitang-kita ang dedikasyon at pagmamalasakit niya kaya naman di maikakaila na dahil sa katangian niyang ito, napakalaki ng suporta at napakalapit ni Moreno sa taong-bayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.