Sa isang vlog ipinakita na ng new mommy ang anak nila ni Skusta Clee!

Sa Instagram post at vlog ibinahagi na ni first time mom at famous vlogge na si Zeinab Harake ang details at mukha mismo ng baby nila ni rapper Skusta Clee.

Sa kauna-unahang pagkakataon nabida sa isang Instagram post ang face ng super cute baby girl na si Zebbia. Ito’y na-post matapos i-reveal ni Zeinab ang buong pangalan ng baby niya sa isang vlog dedicated lang sa anak.

Ani pa ni Zeinab sa Youtube video, “Ang real name ni Bia is… siya ang totoong Zebbiana! So ang full name niya is Zebbiana H. Ruiz!”

Hindi siya tumigil doon, at ipinaliwanag niya ang reasoning sa likod ng pangalan. Aniya, “Zebbiana kasi is kanta ng daddy niya sa akin noong 2019. So, naisip ko sobrang historical nung kantang ‘yun para sa aming dalawa. Naisip ko ibigay na pangalan ng anak namin.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.