Sa edad nitong 62 inatake ng cardiac arrest ang OPM Legend 3 araw matapos itong madiagnose ng COVID-19

Namatay na sa edad na 62 ang Veteran singer na si Claire dela Fuente, 3 araw matapos itong ma-diagnose ng COVID-19.
Ani ng panganay nito na si Gregorio de Guzman, namatay umano si Claire sa cardiac arrest na umatake sa tulog nito habang naghihintay ng spot sa Emergency Room ng pinuntahang ospital at nasa tent lamang sa labas.
Naniniwala silang ang atake ay dulot ng stress at anxiety nito sa diagnosis, idagdag pa na hypertensive at diabetic umano ang ina.
Noong linggo umano ay nagpa-test ang mag-ina para sa Coronavirus. Habang asymptomatic si Greg, nagpakita ng mild symptoms si Claire. Pinayuhan itong magpa-admit sa ospital ngunit hindi nagtagumpay matapos sumubok ng 2 institusyon.
Maaalalang ang huling public appearance ni Claire ay noong dinepensahan nito ang anak na si Gregorio sa mga bintang ng pamilya ng namatay na flight attendant na si Christine Dacera.

Leave a Reply

Your email address will not be published.