“Sa buong five days or one week namin sa Dubai, wala kaming pera. As in sumasama lang kami kay John Lloyd para magpalibre ng meals.”

Nang maglaan si Bea Alonzo ng isang vlog para sa pag-alala ng mga favorite places na napuntahan niya, may kwento siyang tumatak sa puso niya.

Ani nito, nang bumisita siya sa Dubai noong 2005-2007 bilang bahagi ng entourage para sa isang show nagkaroon ng isang insidente financially.

Kwento ng aktres, ang talent fee niya para show na gagamitin sana panggastos sa stay nila sa Dubai, nagastos daw ng ina sa isang shopping trip sa Gold Souk.

Maswerte daw umano si Bea at nandiyan si John Lloyd Cruz na tinulungan nga naman siya sa financial pinch niya.

“So sa buong five days or one week namin sa Dubai, wala kaming pera. As in sumasama lang kami kay John Lloyd para magpalibre ng meals, ganyan.”

Pero binayaran naman daw nila ang aktor pagdating ng Manila.

Leave a Reply

Your email address will not be published.